kelangan talaga mayaman ang mapangasawa ko :p
Friday, April 11, 2008Isang aral para sa mga mahilig magpanggap.
Maganda at maaga ang gising ko kanina. Kung kahapon naglinis ako ng kwarto, kanina, nag-ambisyon akong itodo ang pagiging domesticated ko. SO. Kinuha ko ang plantsa at ang isa sa mga paborito kong blouse.
Isinaksak ko ang plantsa at inilagay sa "minimum heat." Sabi ko, bakit kaya hindi umiilaw yung plantsa? Eh di nilagay ko sa "maximum heat." Hmmm….bakit kaya hindi pa rin umiinit? Subukan ko kaya? Eh di ginawa ko, ipinatong ko sa damit ko para malaman kung mainit na ba o hindi…ENG!
B I G M I S T A K E.
Nang makita kong umuusok yung damit ko, hindi na ko nagdalawang-isip batukan ang sarili ko. Koryn, may pagka-shunga ka talaga minsan ano?!
Dahan-dahan kong ipinaghiwalay ang tela ng damit ko at ang plantsang umuusok, takot sa kung anumang makikita ko. At, gaya nga ng inaasahan, eto ang kinalabasan–

A closer look…
Peace, man…hehehe…
Ang ebidensya…
So pagkatapos kong mahimasmasan at mapagtawanan ni Ate Ains, napagtanto ko…DAPAT TALAGA MAYAMAN ANG MAPANGASAWA KO! Dahil puñeta, hinding hindi na ‘ko magpapanggap at hahawak ng plantsa kahit kelan! Hahahaha!
Previous Comments
you mean….tatalino ka pag mayaman ang asawa mo???
(mula sa isa pang shunga)
Posted by Miranda Priestly at April 11, 2008, 6:54 pmhahaha! Sorry Koryn, but Miranda does have a point.
txt mo si Dhes. May good news ako. BILIS!!!
Posted by TK at April 12, 2008, 1:52 pmasus! may remedyo diyan!
ibigay mo saken dadalhin ko sa mananahi ko!
pag balik sayo, gud as new
pramis yan
Posted by undercoverprincess at April 12, 2008, 11:45 pmTK! sinabi ko na kay iledan!
JEN…mag-aasawa na lang ako ng mayaman :p
—
MIRANDA…mahirap ‘pag tayong dalawa mag-uusap sa ganitong bagay haha!
—
TK…at least hindi ko na kakailanganing magpanggap na domesticated harhar.
btw…congrats! ![]()
—
ANGELA…talaga! sige! but it wouldn’t stop me from buying a new blouse hahaha.
—
DHES…nalaman ko na rin from TK!
so sinasabi lang ni tk na di mo pa alam? at di ko pa alam?
May kilala ako na may ganyan ding experience. hehehehe. Ok lang yan Koryn. Next time, dapat mga blouses mo, gusot mayaman. Hindi na kelangan plantsahin. Pwede din na lagi ka na lang mag bikini. Mainit naman ang panahon. Yun hindi din kelangan plantsahin nun. At tiyak, hindi ka mahihirapan kumuha ng taxi. Hehehe
Posted by Peter "The Mordo" Juan at April 14, 2008, 2:20 pm“Pwede din na lagi ka na lang mag bikini. Mainit naman ang panahon. Yun hindi din kelangan plantsahin nun. At tiyak, hindi ka mahihirapan kumuha ng taxi”
–>you know, that’s the best idea i’ve heard so far! hehehehe. baka makulong ako for public scandal hehehe.
btw, i can’t believe summer’s not even halfway done eh may bagyo na. boo.
Posted by pennylane at April 14, 2008, 11:21 pmhello! hindi naman talaga dapat sa beauty mo ang namamalantsa duh! gawin mo na lang bikini ang blouse mo. hehehe….
Posted by madel at April 17, 2008, 3:58 pmqueen bee…dalas dalasan mo naman ang pagbisita dito…ang ganda ng comment mo eh! hahaha!
Posted by pennylane at April 19, 2008, 7:06 pm




Koryn!!! Sayang naman yung blouse! Teka…pwede pa maremedyuhan yan… e kung lagyan natin ng patch of some design that u like… teehee…
or, mag-asawa ka na nga lang nd mayaman. Hehehe.
Posted by Sexy Nomad at April 11, 2008, 6:45 pm